Sunday, October 4, 2015

Wag Ma-Attach: Nakamamatay (ng Feelings)

Realtalk 2
*Usapang masinsinan tungkol sa iba't-ibang isyu sa buhay, pag-ibig at iba pa.
*Bago mo isipin na "Hay, eto nanaman po si teh, love life nanaman, basahin mo muna.
May love life yan pero meron ding ibang isyu. Wag kang mapanghusga. Pwe.
*Dedicated sa mga friends na ginusto maging anonymous kasi...well...trip.




Attachment--sa kontekstong ito, hindi ito yung Word File o image na ipapadala mo sa GMail o Yahoo! Mail. Hindi rin ito yung tape o kaya fastener na ginagamit mo para di maghiwalay yung mga papel mo para sa trabaho o eskwela (teka,  may gumagamit pa ba ng fastener?).*

Sa usapang natin ngayon, ang attachment na tinutukoy ko ay may kinalaman sa akin, sa iyo at mga tao sa ating paligid.

Attachment, Attachment...Sino Ka Ba?




Ayon sa Internet, ang attachment ay "...an affectional tie that one person or animal forms between himself and another specific one – a tie that binds them together in space and endures over time." Ito ay hindi lang kuneksyon sa pagitan ng dalawang tao; ito ay deep regard o loyalty sa isang kaibigan, kasintahan o kaya crush.

Kapag na-attach ka sa isang tao, gusto mo sila ang madalas mong kasama. Kapag nawala sila ng isang araw, isang linggo o kaya isang segundo, pakiramdam mo na parang may kulang. May nawawala.

Wala namang masama sa emotional attachment. Lahat naman tayo nakakaranas nito sa kapamilya, kapatid, kapuso, at kahit sa mga alagang hayop. Nagiging masama lang siya kapag apektado na niya ang buong pagkatao mo--

Kapag sobra kang na-attach.

Anong Kapalaran ng Taong Sobrang Attached?




Dalawa lang naman ang kapalaran ng tao: mabuti o masama.

Kapag na-attach ka sa isang tao (kaibigan man o crush mo) at gumana naman ayon sa gusto mo, congrats! Kung nasusuklian ang mga emosyon na inilantad mo, ika'y matuwa sapagkat ikaw ay pinagpala. Nag akyat na ba ng ligaw si kuyang matagal mo nang inaalay (o pinagpepray) kay Lord? Hallejuiah at tayo't mag-saya, teh!

Pero kung ikaw ay madalas ma-attach at masaktan, welcome to the Black Parade.

Sa konteksto ng pag-ibig, kung ikaw ay masyadong nadikit sa isang tao at di naman niya binalik ang pagmamahal mo--aray ko na lang 'beh. As always, ikaw ang sawi sa inyong one-sided love affair. Akala mo gagana sa kanya yung araw-araw mong pagdadala ng sopas, pero di naman pala. Hindi rin umepekto pala yung batting of the eyelashes o kaya yung pag flex ng muscles mo araw-araw.

Sa grupo ng mga kaibigan, kung masyado kang na-attach sa isa at nakahanap siya ng ibang best friend, masakit din. Akala mo ikaw ang sagot sa mga friendship needs niya, yun pala hindi. Nakakalungkot man isipin pero may ganoon talaga. Para sa iyo, ikaw yung ideal best friend niya, pero para sa kanya, friend ka lang talaga.

Minsan iisipin mo: "Ganon ba talaga ako kadaling ma-brush off? Yun lang ba ang halaga ko?" Malulungkot ka lang at baka umabot pa sa punto na hindi ka na naka-fetal position ka sa kama, umiiyak ng walang sawa (OA, pero why not?).

Bakit Dapat I-restrain ang Sarili?



Hindi ka nag-iisa sa iyong problema. Weakness ko rin yan; masyado ko kasi iniisip ang iba. Sa sobrang concerned ko, handa akong ibuhos lahat para sa isang tao nang hindi na naalala ang sarili. Martyr nga, kung tatawagin (Ew, parang soap opera lang).

Pero dapat lagi nating tandaan na hindi umiikot ang mundo natin sa mga kaibigan o sa ibang tao. Kumbaga, there is more to life than that. Minsan, sa sobrang attached mo, pakiramdam mo guguho na yung mundo mo kapag hindi na-meet ang expectations mo.

Hindi mo naman mapipigilan na hindi ka magustuhan ng tao o kaya di nila masuklian ang atensyon na ibinibigay mo. Aminin na natin, hindi naman nila kasalanan lahat. Oo, may mga nagawa sila na nakapagpaasa satin, pero tayo mismo ang namiling buhusan sila ng emosyon. Di naman natin kasi kailangan ubusin ang pagkatao natin sa kanila.

Kalma lang tayo. Wala namang masama sa pagiging mapagaruga, pero kung masyado kang nag-expect at nagbigay, malamang madidisappoint ka lang. Iisipin mo na wala ka sigurong kwenta, na sinayang lang ng tao na yon ang pagmamahal mo. Magiging bitter ka lang, maiinis ka at kung anu-ano pa iisipin ng utak mo.

Dapat Na Ba Tumigil sa Pagmamahal? (Naks)



Hindi ko sinasabi na dapat tumigil ka na sa pagiging concerned sa ibang tao. Sa katunayan, tinawag tayo ni Lord na magmahal sa mga tao, kaibigan man o kaaway. Ang sinasabi ko lang ay iwasan nating magmahal ng SOBRA SOBRA. Di ba, sabi nga naman, kahit anong kulang o sobra ay nakasasama sa atin.

Kung magbibigay ka ng ganoong kalaking concern sa isang tao, wag kang mag-expect na ibabalik niya yon. Sabi nga naman, unconditional love for friends or others does not wait for rewards. Wag umasa ng kapalit. Kung aasa ka, edi wag ka na lang masyadong magbigay ng pakialam. Kasi sa huli, ikaw rin ang masasaktan.

Sa usapang pagiging magkaibigan, kung hindi ikaw ang best friend material ng inaasahang best friend mo, let it go. Hindi mo hawak ang puso ng kaibigan mo. Pasalamat ka na lang na at least, friends pa din kayo. Blessing na dapat sa iyo yun tsaka isipin mo na lang, marami pang ibang kaibigan na nangangailangan ng pagmamahal mo.

Sa kaso ko, kay Lord na lang ako sobrang na-aattach. Sasabihin ng iba: "Yak! Ang korni! Ew! Kill, kill, kill!" pero sa akin, sa Kanya lang ako makakahanap ng forever. ;) Minsan, nakakalimutan ko na may limitasyon ang mga tao at nasasaktan ako. Kaya dun na lang ako sa hindi ako sa hindi nang-iiwan at never nang-iwan magpakailanman.

Pero di ibig sabihin non wala na akong pakialam. Mahal ko pa rin ang tao pero tinuturuan ko sarili ko na mag-chill. Hehe :)



Masarap ang magmahal ng mga tao pero laging tandaan, kahit ano mang sobra ay nakakasama para sa atin. Kung kaya't kalma lang, love in moderation at mahalin mo rin ang sarili mo. You deserve it, friend. Trust me ;)


*sabi ng kaopisina kong si Ate Jean, may gumagamit pa daw ng fastener. 
* Umaasa ka ba sa isang tao? Punta ka dito. Eh may napaasa ka ba nang di sinasadya? Basahin mo ang Modern Filipina article ko, humingi ng tawad at makonsensya ng todo. 

2 comments:

  1. HAHAHAHAHA OMG SOBRANG RELATE!

    ReplyDelete
  2. kunwari di tayo magkakilala. Hahaha pero sobrang gets ko tong article na to. bat daming hugot teh. may pinagdadaanan? hhahahaha

    ReplyDelete