Sunday, August 19, 2012

Nang Pwersahan Kang Winalay sa Aking Punda




Tuluyang umagos ang luha mong mapula
Konseniya ko’y nanakit sa gunita
Nang pwersahan kang winalay sa aking punda

Sa maling akala, ikaw ang naging bunga
Wala sa balak, dapat kang mapuksa
Tuluyang umagos ang luha mong mapula

Ika’y nabuo, nagsimula ang abala
Kaya inisip kong talagang tama
Nang pwersahan kang winalay sa aking punda

Naging bingi sa iyong pagmamakaawa
Pinilit kang sa akin ay mawala
Tuluyang umagos ang luha mong mapula

Umikot, umiwas: lahat iyong nagawa
Nagpumiglas ngunit di ka makawala
Nang pwersahan kang winalay sa aking punda

Ngayong wala ka na, katawan ko’y lumaya
Ngunit hindi mabaklas sa gunita
Tuluyang umagos ang luha mong mapula
Nang pwersahan kang winalay sa aking punda


(c) Ashley Bernadette Petallano, 2012
image from Google. 

2 comments:

  1. It's really nice. It's like I'm reading an acknowledged piece, and it's something that I think, a professional would write.

    ReplyDelete