Saturday, August 18, 2012
Araw at Gabi
Simula na. Tapos na.
Heto nanaman po kami Sa wakas.
Nagdadalawang-isip. Nasasabik.
Ano ang mangyayari? Mangyari na kaya?
Nabubuhayan na ang diwa. Unti-unting nawawalay sa kamalayan
Pag-aasikaso Pagpapahinga.
Ingay na gumigising. Katahimikang nanlalambing
Lakas na nanunumbalik Bumibigay na katawan
Ayoko pa. Gusto ko na.
Pwedeng wag na? Pwedeng ngayon na?
Ako'y sinusundo na. Ako'y sinusundo na.
Sasama na ba? Sasama na.
Sana'y matapos na... Sana'y wag nang matapos...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment