Mga Alaala
*mga kaartehan, kadramahan, alaala at kung anu-ano pa.
*pwedeng base sa tunay na buhay, madalas hindi. Pero pwede pa din.
Sa swing set tayo unang nagkita. Nagkakilala. Nagkausap.
Naalala ko pa yung unang pag-ngiti mo sa akin habang naka-upo ako sa swing. Patuloy ako sa pag-tulak sa aking sarili habang hawak yung chain. Lumapit ka, ngumiti at nagpakilala.
Sa totoo lang, hindi ka naman remarkable sa una nating pagkikita, maliban na lang siguro sa ngiti mo. Matangkad, moreno at mukhang mabait. Isama na natin yung pagiging friendly mo. Ang dami mong tinanong.
"Ilang taon ka na?"
"Saan ka nag-aaral? Anong year ka na?"
"Nag-eenjoy ka ba?"
Ang dami ko rin namang sinagot.
"19 lang naman."
"Sa may UP, medyo graduating na."
"Oo, nag-eenjoy naman ako."
Hindi lang naman tayong dalawa ang nasa eksenang iyan. May kasama ka, may mga kasama ako. Nasa swing set kami, nasa see-saw kayo. Nakakatuwa nga kayo panoorin ng kaibigan mo--sinubukan niyo pa mag-balance sa see-saw pero di nagtagal. Patuloy ka pa rin sa pagkwento at pagtatanong sa amin, lalo na sa akin.
Siguro kasi, halos pareho tayo ng edad at halos ako rin yung pinakamadaldal, tulad mo.
Di nagtagal, umalis rin kayo ng kasama mo. Pero bago pa man kayo nagpaalam, sinabi mo sa amin na sana magkita-kita tayo ulit. Sabay ngiti. Nginitian ka rin namin at umalis ka na. Sa oras na yon, hindi ka pa rin tumatak ng gaano sa isip ko. Pero pa-konti konti, naaalala ko ngiti mo.
Hanggang sa nakita na lang kita kumanta sa entablado. Narinig ko boses mo, umaawit ng buong-buo. Saka ko nalaman kung sino ka ba talaga, ano ang posisyon mo at kung bakit maraming nakakakilala sa iyo. Nalaman ko na hindi ka basta-basta.
Saka bumalik yung alaala ko sa swing set. Kung paano ka ngumiti, paano mo kami kinausap, paanong hindi mo pinaramdam na may iba. Bigla kong naisip ang kababaan ng iyong loob. At doon ka ganap na tumatak sa isipan ko.
Sabi ko sa sarili ko: "Grabe Lord, may ganon pa palang lalaki sa mundo." Sabay kilig na madaliang itinago.
Isang araw matapos ang ating unang pagkikita, oras na para magpaalam sa mahabang panahon. Hindi ko alam kung kailan kita ulit makikita o makakausap. Ginusto kong makausap ka ulit, pero nahiya ako. Ano naman ang sasabihin ko sa'yo? Ano paguusapan?
Nagkaroon ng pagkakataon -- o excuse -- para makalapit ulit sa iyo. At nang nakamit ang maliit na pangarap, ngumiti ka muli at nagpasalamat. Di ko malilimutan yung ngiti mong iyon, punong-puno ng galak na abot tainga pa.
Saka tayo namaalam sa isa't-isa at hindi nagkita ng matagal.
Pero kahit hindi kita nakita, matagal ka ring naglagi sa isip ko. Siguro, bihira kasi yung mga katulad mo--mahal na mahal si Lord, mabait, mapagkumbaba at masayahin. Nakakatawa kasi di naman kita gaano kakilala sa personal, pero sa aking mga naririnig at nakikita sa iyong pader, parang kilala na rin kita.
Tapos, nagkita tayo ulit.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang malaman kong nasa malapit ka lang. Magkikita na tayo ulit; makakausap nanaman kita. Naisip ko na lang: "Maalala niya kaya ako? Yung babaeng nasa swing set? Yung huling paalam niya?" Di ko man inamin, pero nasabik ako sa iyo.
Ngunit kahit nasa iisang lugar tayo, hindi tayo nag-usap. Nahiya kasi ako. Kahit alam kong isang agwat na lang, magkikita na tayo, inunahan ako ng hiya. Kaya ayun, hindi tayo nag-usap. Nakita lang kita, nakita mo lang ako.
Bago ka umalis, naramdaman kong nakatingin ka sa direksyon ko. Pakiramdam ko lang naman, pero naisip ko na nakatitig ka sa kung saan ako nakaupo. Nagkunwari akong hindi kita napansin, pero sa totoo lang, napansin kita. Siguro, kaya ka napatingin kasi nakilala mo ako. Pero ako, bilang dakilang mahiyain, walang ginawa at hinayaang kang umalis.
Haist.
Missed chance nanaman. Akala ko, hindi na talaga tayo magkikita. Di ko man lang nasilayan yung ngiti mo. Wala. Nahiya ako.
Pero akalain mo nga naman ang tadhana...pinagkita tayo ulit ngayon.
Nakakatawa pa na nalaman kong nandiyan ka nanaman habang nananalangin sila. Pinagdasal ka nila at nanlaki naman ang mga mata ko. Pupunta siya? Nandito nanaman siya? Heto nanaman po kami! Sabay hawak sa dibdib.
At ayun, nasilayan nanaman kita. Ganon ka pa rin, medyo tumaba, pero suot-suot parin ang ngiting iyong-iyo. Nauna nanaman ang pagkamahiyain ko--simpleng Hi at Hello, hirap na hirap na ako. Hay, bakit nga ba ganoon?
Pero nang nagkalapit tayo, nagtagpo ang ating mga mata. Sabay ngumiti ka muli at pati na rin ako.
"Hi,"
"Hello,"
Sabay alis.
Maigsi lang siya at walang masyadong ganap. Pero sa totoo lang, masaya na rin. Hindi naman ako seryoso, pero isa kang masarap na inspirasyon. Isa kang pag-asa na nagpapaalala sa akin na mayroon pa ring mga katulad mo--bihira pero meron pa rin.
Pinanood kita at napangiti nang madalas. Hindi ko alam kung kelan ulit tayo magkikita o kung may makikilala ako na katulad mo. Pero hiling ko na lang kay Lord siguro na kung dumating man ang tamang panahon, sana palangiti, mapagmahal at masiyahin rin ang susunod na magtutulak sa akin sa swing.
Saturday, September 26, 2015
Sunday, September 13, 2015
Ang Statistical Probability na Paasa Siya (at Umaasa Ka Naman)
Realtalk 1
*Usapang masinsinan tungkol sa iba't-ibang isyu sa buhay, pag-ibig at iba pa.
*Kung estudyante ka, okey lang basahin. Pero utang na loob, mag-aral ka muna. Unahin ang edukasyon. Gusto ni Lord na mag-aral ka muna at pasayahin ang mga magulang bago ka mag-love life. Tandaan, hintayin ang TAMANG PANAHON.
*Puro opinyon ko lang ito, so wag ka mapikon. Chill ka lang, bruh.
*walang statistics na nakasaad dito. Ginamit ko lang ang salita kasi masarap pakinggan.
*Enjoy!
Aminin mo na: masakit ang umasa sa wala.
Yung tipong nagplano kayo ng hiking ng mga ka-tropa mo, isang buwan bago yung mismong araw. Naghanda ka na at lahat, nag-gym ka para handa ang katawan mo sa pag-akyat ng bundok. Praktisado mo na rin ang kebs na shrug mo pag sinabihan ka nila ng: "Wow! Galing mo naman mag hike. Expert!"
Pero pagdating ng araw na yon, malalaman mo na hindi tuloy ang lakad. Walang hiking. Walang barkada trip. Walang kebs na shrug.
Wala.
Pagdating sa usapang pag-ibig, pag nauwi sa wala ang lahat...minsan, hindi mo na alam kung saan pupulutin ang natapakan mong emosyon.
Kasi pinaasa ka lang sa wala.
Ang Usapang #Hugot at #Paasa
Sa Pilipinas, uso ngayon ang #hugot o mga sentimyento na kadalasan ay naiuugnay sa kasawian sa pag-ibig. Halos lahat may hugot na, lalo na pag naulan. Isang halimbawa ay:
Di naman natin masisisi ang mga taong mahilig humugot. Masarap umibig at masarap rin isipin na yung taong gusto mo ay baka may gusto rin sayo. Hindi mo mapigilan ang sarili mo na mangarap na makasama si Bebe Girl o Bebe Boy hanggang sa dulo ng walang hanggang. Lalo na kung may pagpaparamdam na nagaganap.
Anong klaseng pagpaparamdam?
Yung tipong kung magsalita siya, parang double meaning. Ano kaya ibig niyang sabihin nung sinabi niya na: "You're special to me"? Wala ka namang ADHD, so malamang hindi yon ang ibig sabihin. Paano naman pag hilig ka niyang lambingin? Yung tipong lagi kang kinikindatan o kaya lagi kang tinetext ng: "Kumain ka na ba?" o "Matulog ka na ah. Wag ka magpapagod."
Paano kung lagi ka niyang hinahatid sa bahay o kaya binabaunan ng pagkain? Lagi kang kausap sa Facebook, Twitter o ni-lalike ang mga post mo sa Instagram. Pag-ibig na nga ba? Kayo na ba ang susunod na #KimErald o #AlDub?
Pero paano kung yung pagpaparamdam na yon ay wala lang pala para sa kanya?
Boom. Napaasa ka.
Bakit Ba Maraming Na-Hohopia (a.k.a False Hope)
Bakit nga ba maraming puso ang naloloko ng pag-asa? Bakit ba marami ang napapaiyak dahil na-hopia sila ng taong minamahal nila?
Minsan, nalilinlang na tayo ng puso natin at di pa natin alam.
Kapag ang taong gusto natin ay may ginawang kakaiba, hilig nating isipan ng meaning yung nangyari. Madalas, nagsisimula lang yan sa isang text o kaya private message sa Facebook. Simpleng 'Hi! Musta ka?' ang nagdudulot ng maraming kasawian sa mundo.
Sa nakikita ko, isa lang ang dahilan kung bakit may nahohopia: maling akala (a.k.a assume-assume)
Marami sa atin akala mo nag-aral sa Assumption dahil sa sobrang daming pag-aassume na nagaganap. Nabigyan lang ng tatlong piraso ng Mentos, akala mo nag-I Love You na yung crush mo sa'yo. O kaya naman nakatext mo siya ng dose oras at puro knock-knock jokes lang naman yung exchanges niyo, pero feeling mo iba na talaga kayong dalawa.
Hayskul palang ako nang nauso yang assumera/assumero trend na yan. Pano ba naman, isa din ako sa mga ganyan. Maliit na bagay lang, binibigyan ko ng mas malalim na kahulugan. Naka-chat ko lang ng araw-araw, akala ko may forever na.
Yun pala wala.
Pero naiintindihan ko rin kung bakit marami sa atin ang mabigat ang pag-aassume. Minsan nga naman kasi, hindi na normal yung ginagawa nung crush/iniibig/apple of the eye natin. Mas malala lalo na kung tipong first time mo at wala kang kamalay-malay.
Yung pag-aassume sa wala, may kaakibat na mga mabibigat na kapalit yan...kadalasan, masakit ang magiging katapusan. Masakit kasi nag-invest ka ng emosyon sa isang tao na akala mo may pagtingin sa'yo, pero wala pala. Nagbuhos ka ng oras, pera at sarili mo para sa kanya, pero sa huli, hindi rin pala masusuklian ang investments mo.
Aray ko 'beh.
Paalala Para sa Mga Sawi at Maari Pang Masawi (at Pati na Rin sa Dahilan ng Pagkasawi)
Paano nga ba makakaiwas sa mga paasa/umaasa segement ng buhay?
Ganito lang yan mga kababayan: hangga't walang sinasabing direchong "GUSTO KITA" o kaya "I LIKE YOU," iwasang mag-overdrive ang utak. In other words, iwasan maging assumera o assumero. Kahit ba sabihin mo may feels o paramdam na nagaganap, wag mong punuin ang utak mo tungkol sa forever kung di pa naman sigurado.
Baka sabihin mo: "Eh hina-hug hug niya ako! Sinusunod at hinahatid pauwi! Nililibre ng isaw tuwing hapon! How can this not be love?!"
Oo, alam ko. Mahirap hindi isipin na wala siyang feelings kung puro ganyan ginagawa niya. Pero isipin mo, may posibilidad na para sa kanya, baka wala lang yon. Kung meron man, siguro as friends. Maniwala ka pag sinabi kong may ganon talaga. Kung para sayo meron, para sa kanya eh nagiging mabait lang naman siya o sadyang malambing lang talaga siya.
Subukan mong wag i-over read lahat ng nangyayari sa inyo. Hangga't di mo marinig na umamin siya sa'yo o kaya siya na mismo magpatunay na meron, wag kang aasa.
Mahirap na umasa sa wala.
Ngayon, gusto ko naman kausapin yung mga paasa (intentional o unintentional ka man).
Lahat ng paasa/umaasa na sitwasyon ay nagaganap dahil sa hindi pag-iingat sa mga sinasabi o nagagawa. Sabihin na natin malambing ka talaga o mahilig ka lang talaga mag hatid kahit bumabaha, minsan kailangan mo isipin na dapat malinaw ang intensyon mo--lalo na yung mga lalaki.
Mga tol at mga pare, ingat-ingat din naman kasi. Di ko naman kayo sinisisi ng buo, pero alalahanin niyo na kaming mga babae, madaling madevelop lalo na pag natarget ang emosyon. Oo, masyado kaming emosyonal. Kahit ba sa tingin niyo di namin kayo trip o mukha kayong chonggo, kapag napakilig niyo kami, nag-iibang anyo kayo. Nagiging Prince Charming kayo sa mga mata namin.
Kung pwede lang, linawin niyo naman kung ano ba talaga kami para sa inyo. Kung friends lang talaga, aba, tratuhin niyo naman kami as friends. Sa tingin ko, hindi lang friends ang tawag kapag lagi kang nagsasabi ng "I love you" o laging siya lang yung binibigyan mo ng Hany Chocolate o kaya trip mo lang siyang binubuhat out of nowhere.
Kung trip mo talaga si ate, wag ka na magpaliguy-ligoy pa. Pag-pray mo (seryoso ako) tapos mag-akyat ka na ng ligaw. Sabihin mo ang nararamdaman mo. Hindi yung pahuhulaan mo o paramdam-ramdam lang gagawin mo dun sa babae. Hindi kami manghuhula, huy.
Para naman sa mga ateng nagpaasa, wala rin kayong takas. Minsan kasi, tayo din hindi natin nababantayan yung mga pinag-gagagawa natin. Akala mo yung payakap-yakap sa lalaking kaibigan mo ay wala lang--pero sa kanya, iba na pala yon. Lalo na kung lagi mo pang ginagawa at mas malala pa kung gusto ka niya.
Aminin na natin, nakakakilig rin naman pag nalaman natin na may gusto sa atin ang isa sa mga kakilala o kaibigan natin (kahit di natin sila type). Nakakatuksong lalong hayaan sila na kiligin at maramdaman iyon, kahit na alam mo na wala siyang pag-asa. Pero, maawa ka naman sa kanya. Pinaglalaruan mo ang emosyon niya at hindi nakabubuti yon.
Maging maingat sa mga sasabihin at kilos mo, nang mabawasan na ang mga nahohopiang lalaki sa mundo.
Makakabuti sa mundo at sa maraming puso kung mababawasan na ang mga napapaasa. Ako mismo ay napaasa at nahirapan akong makabangon mula sa sakit na naramdaman. Ayoko na maulit yon, at ayoko rin na may ibang masaktan. :)
Kaya mag-ingat tayong lahat sa paasa/umaasa segments. Gustuhin mo man madaliin ang forever, minsan ay dapat kumalma tayong lahat. Masarap ang pag-ibig at masarap ang inspirasyon. Pero tulad nga ng sabi ni Lola Nidora, dapat lahat ay nangyayari sa tamang panahon.
Kaya chill ka lang. Darating din yan. :)

"Sa panahon ngayon, tanghali na lang ang tapat."

#tiwalakayLord #tamangpanahon #SayNoToHopia2k15
Subscribe to:
Posts (Atom)