Tuesday, September 25, 2012

O Kadiliman (A translation)




O Kadilimang aking pinagmulan
Labis kitang iniibig, higit sa lahat ng siklab ng apoy
Na bumabakod sa sanlibutan
Sapagkat ang apoy ang lumilikha
ng liwanag
At ni isa'y walang nakakalam sa iyo

Ngunit ang Kadilima'y humihigit sa lahat
Mga hugis, nagbabagang apoy, mga hayop
at ako
Ipunin sila'y sadyang kay dali!
Kapangyarihan at katauhan.

At maaring ang masugpong kapangyarihan
Ay lumalapit sa akin

Sa mga gabi, ako ay may tiwala.

No comments:

Post a Comment