Monday, August 31, 2015

Mga Piling Kwento ng Isang Pasahero ng UV Express


UV Express - ang numero unong transportasyon ng mga manggagawang Pilipino tanggap na magbayad ng halos P60.00 na pamasahe; malamang patungo sila ng Ayala, Pasig, SM Megamall o kaya ng Quiapo; depende kung saan sila araw-araw nagpapakahirap.




Nang nagsimula ako magtrabaho sa Makati, ang UV Express na ang naging school bus ko sa pang araw-araw. Hindi na bago sakin yung eksena ng pila papunta at pag-uwi; sa totoo lang, yun nga yung senyas na magsisimula o matatapos na ang araw ko. 

Para sa ibang tao, wala namang nangyayaring espesyal sa loob ng UV. Magbabayad lang sila kay Manong Konduktor, papasok tapos sabay tulog. Kung di man sila matutulog, malamang magrorosaryo, makikinig sa kanta o kaya tutulala na lang sa may bintana. 

Para sakin, ang pagsakay sa UV ay isang mini-adventure. Mababaw, pero sa totoo lang, marami talaga ang nangyayari sa loob. Yun nga lang sa pagpili mo sang upuan ka sasakay, may kwento na yun (mas trip ko sa tabi ng driver o kaya sa kung saan mang di tatamaan ng araw). O kaya yung simpleng pag-lingon sa katabi mo, malamang may makukuha kang naratibo.

Ako kasi meron. Medyo marami sila, pero heto ang mga tumatak sa kukote ng utak ko.

May Kulo si Misis, Mukhang Manyak si Mister

Sa may pila ng UV sa Dela Rosa, may mag-asawang nagtatalo sa harapan ko. Di na naman bago sakin pag may mag-asawa o mag-jowang di nagkakasundo sa pila--pakiramdam ko nga mas trip nilang magtalo dun kasi maraming tao;di pwede gumawa ng malalang eksena ang isa sa kanila.

Nang nakapila ako, patuloy sa pagtatalo itong mag-asawa. Pabulong na sumisigaw si Misis (posible pala iyon) habang tahimik na umaangal si Mister.

Misis: #$%^&! Lagi ka na lang nawawala pag gabi! Wala na ngang gatas si Junior, lakwatsa ka pa ng lakwatsa!
Mister: (bulong, bulong. Malamang depensa sa sarili)
Misis:  Eh %^&* ka pala eh! Lakas ng loob mong mawala pag gabi tapos kung maka-angal ka parang api!
Mister: (bulong, bulong) ...di naman masyadong nainom...(bulong, bulong)

Habang na sa pila, abot langit ang panalangin ko na di ko makasabay ang mag-asawang to. Pero ang tadhana nga naman, mapait. Naging magkatapat kami sa loob ng UV. Nang makapasok at nakaupo na ang lahat, biglang nanahimik ang babae. Siguro, naisip niya kasi na di siya pwede tumalak ng tumalak sa UV kasi maririnig ang mga angal niya. Tinalikuran niya ang kanyang asawa--deadma.

Malas na lang niya kasi napansin din to ng mister niya.

Syempre, ikaw ba naman, inaway-away ka sa pila, di ka ba matutuksong gantihan ang misis mong talakera? Yun nga ang ginawa ni Mister. Nakangisi pa siya habang tinatanong ang asawa niya;

"O ano, ba't bigla kang tumahimik? Ano? Wala ka ng masabi?"

Ang nakakatakot sa eksena na ito ay yung mukha nung Mister habang inaasar ang kanyang may bahay. Mukha siyang manyak, yung tipong kontrabidang may balak na masama sa lahat. Ramdam ko yung pagtitig ng katabi ko sa kanila; malamang napansin niya din.

Akala ko talaga may mangyayaring sabunutan o saksakan sa loob ng UV. Buti na lang, bumaba sila ng maaga. Hay salamat Panginoon sa grasya at kaligtasan nga naman.



Si Tita, ang Kanyang Rosaryo at ang Scripted na Panalangin

Di na bago sa akin ang makatabi sa isang taong nagrorosaryo habang bumabiyahe patungong Ayala. Madalas, ang mga ganitong nakakatabi ko ay mga Tita-type, kung tawagin ng nakararami. Halos pareho ang kanilang mga eksena: uupo sa tabi, dudukutin ang lalagyan ng rosaryo (madalas may palamuti at mukhang mamahalin), kukunin ang rosaryo at magsisimulang manalangin.

May nakatabi akong isang Tita na naiiba sa mga Titang nagrorosaryong nakasabay ko.

Hindi ako ganon kaalam sa pagrorosaryo, bilang hindi ako isang Katoliko. Pero base sa mga madalas kong nakikita, wala namang hawak na bond paper ang karamihan sa kanila. Itong partikular na Titang ito, meron. At tatlong pahina pa.

Habang nagrorosaryo siya, binabasa niya ng malakas ang nakasulat sa papel. Hindi ko to marinig kasi may suot akong earphones, pero nahuhuli ko ang pakonti-konting mga salita. Base sa mga mukha ng aking mga katabi, hindi normal ang ginagawa ni Tita. 

Nakaka-aliw siyang panoorin. Hindi rin kasi siya sigurado kung tama ba yung binabasa niya. Patitigil-tigil siya sa pananalangin at madalas nagkakamot ng ulo. Makikita mo sa kunot ng noo niya na kahit siya mismo, hindi siya sigurado sa pinagdadasal niya.

"...Holy Mary, give us this day...ay?"

"To God our father, and the saint...of ano daw?'

Ayan. Ganyan ang narinig ko kay Tita. Nang bumaba siya sa may Greenbelt, di ko na lang napigilang ngumiti. 

Kaya niyo yan, Tita. Tiwala lang po.

The Breakup Diaries: UV Express Edition

Pati ba naman sa loob ng UV, may mga nasasawi.

Mag-aalasnwebe na noon. Halos mapa-head bang na ako sa sobrang pagod; gusto ko lang makapiling na yung kama ko sa bahay. Kahit gustuhin ko mang maidlip sa loob ng sasakyan, hindi ko magawa. Kasi naman yung katabi ko, nakikipag-away sa jowa niya na nasa kabilang linya.

Naalala ko sa babae yung Misis sa unang kwento, pero mas kalmado at medyo bitchesa ang dating niya. Sa tono ng boses niya, bitchesa nga ang tamang salitang maglalarawan sa kanya (paumanhin sa nasabing salita).

Habang inaaway ang kanyang boyfriend, pataas-taas ang kilay niya. Siguro, kung ano man ang pagpapaliwanag na ginagawa ng jowa niya, di niya pinapaniwalaan.

Medyo bangag na ako nung pinakikinggan ko siya (paano ko ba naman di maririnig, eh dikit na dikit kami sa isa't-isa), pero eto ang naalala ko sa kanilang pag-uusap (para sa dayalogong ito, tawagin natin ang babae bilang si Ateng B at ang jowa niya ay si Kuyang X):

Ateng B: ang tagal tagal kitang hinintay, pero di ka naman sumipot. Ganyan ka naman lagi eh, nang-iiwan. 
Kuyang X: (bulong, bulong, bulong, bulong pa more)
Ateng B: sawang-sawa na ako sa mga kalokohan mo. Tingin mo magpapaloko pa ako sayo? Sabi ni Baby wala ka daw sa bahay. Kala mo di ko alam kung sino talaga kasama mo. Wag mo nga akong pagmukhaing tanga. Utang na loob hindi ako tanga. 
Kuyang X: (bulong, bulong, malamang nagmamakaawa)
Ateng B: ayoko na, di ko na kaya to. Tagal tagal na akong nagtitiis sa'yo! Di ko na kelangan mag-explain. Ayoko na. Tapos na tayo. (sabay patay ng cellphone)

Di ko na nalaman kung ano ang sumunod na kabanata. Nakasabay ko ulit si Ateng B sa UV, pero di ko alam kung sila pa ba ni Kuyang X o tuluyan na niyang iniwan to. Nagtanong kaya si Kuyang X kung ano ang paliwanag ni Ateng B?

Aray ko 'beh

Ang Pagsusuka at ang Bayanihan of the People

Hindi naman lahat ng nasakay ng UV sanay sa pagewang-gewang na galaw ng sasakyan. Pasalamat na lang ako na nasanay na yung katawan ko sa mga biyahe buhat nang nagsimula ako sa Unibersidad. Pero tulad ng nasabi ko, hindi lahat ay sanay at ang iba sa kanila ay lasing pa.

Papunta akong Alabang nang naganap ang kwentong ito. Ang nasakyan kong UV ay yung tipong magkakaharap kayong lahat ng kapwa pasahero mo. Lahat kami halos pagod na; yung iba gusto kong isara ang bibig sa laki ng pagkanga-nga. Baka kasi pasukan ng bangaw.

Habang nilalakbay ng UV Express ang Skyway, di ko pinapansin ang mga kasama ko. Masyado kasi akong nagsesentimyento nung gabing yon sabay may My Chemical Romance pang playlist. Malamang sa malamang, hindi ako ganon ka-aware sa mga nagaganap. Nang papalapit na ang UV sa toll gate, may naamoy akong kakaiba sa loob.

Pero di ko parin pinansin.

Napansin ko na lang nang may naganap na komosyon. Napatingin ako sa may upuan malapit sa pintuan, kung saan may isang babaeng nagsusuka. Madilim pa noon sa loob ng sasakyan at nahihirapan ang babae at ang mga katabi niya sa pagtulong.

Syempre, di naman pwede na hayaan naming lahat na ganon mangyari kay Ate. Sinabihan namin yung driver na buksan yung ilaw habang nagpapasa-pasahan kami ng tissue. Yung katabi ni Ate sa kaliwa, hinahagod yung likod niya habang yung nasa kanan pinatungang ng sandamakmak na wet wipes yung pinagsukahan ni Ate.

Binuksan namin ang mga bintana para makahinga siya ng maayos. Nang mahimasmasan, paulit-ulit na humingi ng pasensya si Ate habang nililinis ang sarili niyang suka. Di naman kami nagalit sa kanya; mahirap nga naman bumiyahe ng di sanay at medyo lasing pa. Tinanong ni Ate kung pwede ba siya ibaba sa isang lugar na hindi kadalasan ruta ng UV Express.

Pumayag naman si Manong Driver. Kaya ayun, naibaba naman si Ate. Nang pababa na siya, di siya tumigil sa pagpapasalamat sa amin. Sabi nga nung Manang na katapat niya; "Aba'y magpahinga ka pagdating sa bahay ha, ineng?"

At salamat na lang ang nasabi ni Ate. Pati ako nagpasalamat kasi hindi pa talaga namamatay ang bayanihan ng mga Pilipino. #maypagasapa

Salamat, salamat sa pag-asa.

Lampungan at Sari-Saring PDA

Kung may nasasawi sa UV Express, mayroon rin namang nagsasaya sa pag-ibig. Minsan nga lang, sumosobra na sila.

Wala naman akong sama ng loob sa mga magkasintahan. Masaya ako para sa kaligayahin ninyo, pramis. Masaya ako na masaya kayo sa piling ng isa't-isa, na gusto niyong lagi kayong magkasama at magkahawak-kamay lagi. Pero utang na loob, minsan naman, kalma lang tayo sa pag-yapos at pag-halik. May mga taong nasa paligid ninyo.

May isang mag-jowa akong nakasabay sa pila na naguumapaw sa PDA (aka public display of affection). Sa pila pa lang, halos di na sila makapagpigil sa pagyapos at paghalik. Mapisa-pisa na nga yung ilong ni Kuya Boy sa kakahalik kay Ate Girl. Sinubukan ko naman na wag pansinin ang dalawa; moment nila yun, bakit ba ako nakatingin?

Pero sadyang mahirap kasi sila mismo, di makapagpigil. Halos manggigil na si Kuya sa kanyang pinakamamahal at halos sakyan na ni Ate si Kuya nang nagyakapan sila ulit. Imbes na pansinin sila, nagbasa na lang ako ng Harry Potter, pero mas lumala pa silang dalawa.

Pano ba naman, may matching verbal lambing pang nalalaman. Lalo na nang nakapasok kaming lahat sa UV Express.

Ayoko na i-detalye lahat ng naganap sa loob ng sasakyan. Sabihin na lang natin na hindi lang ako ang halos mabaliw sa pinag-gagawa nilang dalawa. Yung lolang katabi ko halos mabatukan na sila ng dala niyang walking stick, pero nagpigil siya. Nakakaawa rin yung lalaking nakatabi nila, siksik na nga sa dulo, natutulak pa.

Ganon kalala.

Inuulit ko: wala naman akong problema kung in-love kayo at gusto niyong yumakap. Pero utang na loob, kalma naman minsan. Konting restrain lang naman ang hinihingi naming mga kapwa pasahero niyo. Wag niyo namang ipamukha na masayang-masaya kayo ng sobra-sobra--maraming single ang nasasaktan.



Nakakatuwang isipin na kahit sa loob ng UV Express, marami ang nagaganap. Mula sa kwentong pag-ibig hanggang sa simpleng pagdadasal, marami akong naibabaong naratibo pag-uwi ko sa bahay. Minsan, nakakasakit ng ulo pero sa totoo lang, hindi kumpleto ang araw ko kung walang kwentong UV.

Ikaw, anong kwentong UV Express mo?





Sunday, August 30, 2015

Playlist: God's Not Dead

Playlist 
*lyrics of  songs that best describe the emotional setting, current mood or whatever state the writer is in. 




Mark: You prayed and believed your whole life. Never done anything wrong. And here you are. You're the nicest person I know. I am the meanest. You have dementia. My life is perfect. Explain that to me!

Mina's Mother: Sometimes the devil allows people to live a life free of trouble because he doesn't want them turning to God. Their sin is like a jail cell, except it is all nice and comfy and there doesn't seem to be any reason to leave. The door's wide open. Till one day, time runs out, and the cell door slams shut, and suddenly it's too late.



God's Not Dead
(Newsboys, God's Not Dead)


Let love explode and bring the dead to life
A love so bold
To seek a revolution somehow

Let love explode and bring the dead to life
A love so bold
To bring a revolution somehow
Now I'm lost in Your freedom
In this world I'll overcome

My God's not dead
He's surely alive
He's living on the inside
Roaring like a lion
God's not dead
He's surely alive
He's living on the inside
Roaring like a lion

Roaring, He's roaring, He's roaring like a lion

Let hope arise and make the darkness hide
My faith is dead I need resurrection somehow
Now I'm lost in Your freedom
In this world I'll overcome

My God's not dead
He's surely alive
He's living on the inside
Roaring like a lion
God's not dead
He's surely alive
He's living on the inside
Roaring like a lion

Roaring, He's roaring, He's roaring like a lion
He's roaring, He's roaring

Let heaven roar and fire fall
Come shake the ground
With the sound of revival
Let heaven roar and fire fall
Come shake the ground
With the sound of revival
Let heaven roar (Let heaven roar) and fire fall
Come shake the ground
With the sound of revival

(My God's not dead)
(He's surely alive)

He's living on the inside
Roaring like a lion
God's not dead
He's surely alive
He's living on the inside
Roaring like a lion
God's not dead
He's surely alive
He's living on the inside
Roaring like a lion
God's not dead
He's surely alive
He's living on the inside
Roaring like a lion

He's roaring, He's roaring, He's roaring like a lion
He's roaring, He's roaring, He's roaring like a lion.


Thought line: Christianity is not a religion; it's more than tradition or good works. It is more than memorizing a prayer or touching the toes of a saint. 

It is a relationship with a Father who loves unconditionally. You might think you know everything, that you are fine with your life but really, there is a gap that needs filling. 

The world continues to distort the image of God, which encourages others towards disbelief. But I ask: what have you got to lose if you let Him lead your life? If  God does not exist, then that should not be a problem. There is no heaven, no hell, no damnation, no sin, no sacrifice. 

But what if God DOES exists? Where would you be?

What have you got to lose?

Saturday, August 22, 2015

Naniniwala Ka Ba Sa Forever? Understanding Why People Go Crazy Over #AlDub


Hello, my name is Ashley and I'm a fan of #AlDub.

Pabebe Wave! (Photo from Eat Bulaga's Facebook Page)

Before anything else, I should explain myself. To be honest, I wasn't much of a Filipino love team fan. Yeah, I shipped Bobby-Angelu and Rico-Claudine during my younger days. But as I got older, I found Filipino love teams quite cheesy and too corny for my taste.

KathNiel? JaDine? DongYan? Ano yun?

While I want to support the Philippine media, I believed most Filipino stories fall for cliche story tropes. This made me believe that love teams were not worth my attention and therefore, I never found myself at the mercy of one.

Then, AlDub happened three weeks ago.

Aldub Them Very Much! (Photo from Eat Bulaga's Facebook Page)

I found out about AlDub (a.k.a Alden/Yaya Dub) through one of my disciples during lunch. She was talking about the recent trends with today's noontime shows. While Showtime boosted ratings with a rock and roll joker, Eat Bulaga apparently was parading a new love team for their Juan for All, All for Juan segment.

I've been seeing the hashtag AlDub all over my Twitter and I've always wondered what it was. I was also sort of confused: how did Eat Bulaga managed to fit a kalyeserye segment for Juan For All, All for Juan?

So I decided to check it out.

And the rest is history.

Yaya's faceis priceless. (Photo from Eat Bulaga's Facebook Page)


For the record, some people will not understand why most of us go crazy over Alden Richards and Yaya Dub (Maine Mendoza). They think it's shallow and corny-- "Ang baduy naman ng AlDub na yan! Ba't ka nababaliw diyan?" they ask.

Yes, it is corny and sometimes, it is baduy, as they say. So, why am I at the mercy of these two? Why do most of my friends (most of who I did not expect to like AlDub) always watch the replays every night?

I'll list down the reasons I can think of:

1) Not Your Typical Teleserye


Babala: Asawa ni Babalu (Photo from Eat Bulaga's Facebook Page)

I think of it as a parody of all the Filipino romance stories. Kalyeserye takes a humurous approach at the typical Filipino teleserye plotlines. While it's sort of annoying, the humor injected by Yaya Dub's funny dubsmashes, Lola Nidora (Wally Bayola) and Frankie A. Arinoli's (Jose Manalo) portrayals and line exchange and Paolo Ballesteros' infectious laughter.

Let's not forget Tito, Vic, Joey and Allan K's commentaries, as well.

It's regular teleserye with an irregular approach. This makes the Kalyeserye an endearing must-watch for people who believe that forever exists.

2) Interactivity Works


'Naka 1 point ka na! Pati sa puso ko!" - Yaya Dub (Photo from Eat Bulaga's Facebook Page)

In addition to not being your typical teleserye, Kalyeserye is very much interactive unlike other teleserye or noontime show segments. Because it's set on the streets, people can watch their performances live. 

While Yaya Dub and Alden can only see each other on split screens, the characters themselves manage to connect with potential audiences wherever and whenever. There's also something impressive with the capability of bringing the act closer to the people.

Take Alden arriving to stop the first YaKie wedding. Fans watched with anticipation as Alden raced from Broadway to where the wedding was. Another example was when Lola challenged him to run from Broadway again to Edsa within 20 minutes. This gives them more exposure to the general public, which raises awareness and therefore, more views.


3) An Interesting Mix of Characters

Kalyeserye's Selfie (Photo from the Philippipne Daily Inquirer)

KalyeSerye offers a wonderful combination of characters, each of them parodying typical characters we see in our teleseryes.

Yaya Dub reflects the typical Filipina heroine--your usual girl who started from the bottom who will somehow get over here. She's simple,sweet and can only communicate by dumbsmashing. Like any Filipina hero, she's oppressed but is loved by everyone. She serves Lola Nidora, who represents every kontrabida. 

Pabebe wave by Yaya Dub (Photo from Eat Bulaga's Facebook Page)

While Lola cares for Yaya, she is very much against her and Alden--again, another cliche in Philippine love stories. Lola Nidora does everything she can to stop Yaya and Alden from meeting and ending up together. The reason behind this strong remains a mystery and viewers will only found out "...sa tamang panahon." 

Lola Nidora (Photo from Eat Bulaga's Facebook Page)

Despite being the antagonist, Wally manages to portray Lola in such humor that we hate and love her at the same time. I crack up a lot whenever her bodyguards, the Rogelios, mess her plans and she criticizes them. Or whenever he does something out of the ordinary, like climbing out of a running car to escape the cops, or something like that.

Then there's Bae Alden, your knight in shinning armor and the love of Yaya Dub's life (kahit split screen lang). He's handsome and willing to overcome any task just so he can be with his Bae. Take away his girl and he will cry under the rain (I nearly died watching that scene).

YAYA DUB FOREVER (Photo from Eat Bulaga's Facebook Page)

Alden represents the hero who shows kilig-worthy affections that would make any girl want to schedule a kwek-kwek date.

Of course, Kalyeserye offers third parties determined to break Yaya Dub and Alden's romance. There's Frankie A. Arinoli, the typical rich guy antagonist who loves modelling his branded clothing. He really loves Yaya Dub but unfortunately for him, Yaya loves only Alden and also has Trypophobia (a fear of holes), which makes him repulsive in her eyes.

Frankie and his Trypophobia-inducing face (Photo from Eat Bulaga's Facebook Page)

Despite being a third party, Frankie also portrays that Other Guy who loves the heroine endlessly even if she doesn't, which makes him loveable in his own way. Plus, his English is funny.You have to give him that. 

Just recently, Eat Bulaga added another character to the mix and she's after Alden. Wally brings life to Duhrizz Maine, Lola Nidora's great grandchild from New York. Like the typical kontrabida girl, she's rich, flirty and determined to win Alden. Her pabebe tongue aims to overthrow Yaya's pabebe wave. 

For Pete's sake, please stop the Pabebe Tongue. (Photo from Eat Bulaga's Facebook Page)

Sad to say, it's sort of weird and is not winning anyone any time. I mean, for real, she should stop doing it some time soon. 

4) Alden and Yaya Dub's Undeniable Chemistry

MAINEniwala na maALDEN ka niya. (Photo from Eat Bulaga's Facebook Page)

There's no going around it: Maine and Alden share bubbling chemistry. And the mere fact that they haven't met in person yet is driving us all crazy. 

First off, let's all admit that Alden Richards is a total BAE. His be-dimpled smile is enough to knock Yaya Dub (and the rest of us) off her feet. I was never a fan of his acting but there's something in the way he dubsmashes and silently flirts with her. Even his cry face is on point, especially whenever he asks Yaya (over their fansign) when he'd see her. 

And c'mon, his pabebe wave is a killer.

That's MY Bae! (Photo from Eat Bulaga's Facebook Page)

Yaya Dub is adorable in her own way.What I like the most about her is her sincerity and the realness that surrounds her character and personality. Maine Mendoza started as an online sensation and was given the chance to flourish on Philippine TV. When you watch her, you'd understand why.

Her ability to be beautiful and silly at the same time is amazing. It makes you wonder how she can transform from this cute Yaya to this weird-looking dubsmasher. Maine knows how to work it in front of the camera and she does so in a way that endears her to the public. The news about her other talents also makes her more loveable in our eyes.

Why so cute, Yaya Dub? (Photo fromo Eat Bulaga's Facebook Page)

When you put them together, Yaya and Alden manage to tickle our kilig bones to the point of no return. 

It remains a mystery if both parties are really developing actual feelings for each other, despite having intearactions on split screens only. But whatever the real score is, their TV love story is enough to make viewers wish they can have someone to share isaw with and an occasional pabebe wave here and there.

5) Simple Yet Powerful Lessons About Love

Kalyeserye wins over other noontime segments with its capability to teach simple lessons about one of the most complicated aspects in life -- LOVE.


Yaya and Alden 4EVER (Photo from Eat Bulaga's Facebook Page)

Almost everyone's got a hugot or walang forever sentiment nowadays. This is why social media and pop culture dwells on the joys and pains of being in and out of love. Eat Bulaga uses this popular concepts and infuses them with life lessons that strike people where it hurts the most. 

One way they successfuly did so was through this moving speech from Lola Nidora:

"Ang gusto ko lang naman ay pag-ibig sa TAMANG PANAHON. Lahat ng bagay pinagtiyatiyagaan, pinaghihirapan at pinagsisikapan. Walang kahahantungan ang mga bagay na minamadali. Fan sign lang, LOVE NA? Text, text lang, KAYO NA? Ano 'to? Mas maganda ang bagay na pinagtiyatyagaan at dumarating sa tamang panahon. Tandaan niyong lahat. Masarap umibig, masarap ang inspirasyon. Huwag lang minamadali. Lahat ng bagay nasa tamang panahon."
(Translation: All I want is a love that occurs in the right time. You must work hard for everything. Anything rushed is pointless. You exchanged simple fansigns and it's love already? You texted one another and that defines your relationship? What is this?

It's much better to enjoy something you worked hard for, something that arrived at the right time. Remember this: loving is sweet and so are inspirations. Don't rush it. Everything should happen at the right time)


Lola Nidora Knows Best (Photo from Eat Bulaga's Facebook Page)

Lola's point hits where it hurts. Indeed, most people think love can be achieved immediately. After all, what is the sense of waiting when almost everything happens instantly?

Lola Nidora reminds viewers about the importance of working hard for something you want. As she puts it, you can't just rush love--you must work for it and wait for it to come at the right time. She reiterates this idea when she reveals her true intentions during YaKie's 2nd wedding (turns out it was a hoax; pastor's an impostor and she only forced Yaya to get married so Frankie can---oh, just watch it on your own).

She tells Frankie that love cannot be bought by money; LOVE demands to be felt and should be displayed with sincerity.

You go, Lola!

"Ang pag-ibig nararamdaman, hindi binibili!"
-
Lola Nidora
(Photo from Eat Bulaga's Facebook Page)

And of course, watching AlDub reminds viewers of the amazing feeling of falling in love.

There's nothing better than meeting someone who instantly sends a jolt to your spine. Yaya Dub and Alden's exchanges send us into fits of kilig, while reminding us that two people meant together are destined for forever. While there will always be ups and downs, true love never says never and keeps fighting.

Even if you have to run from Broadway to EDSA, you'd willingly do it for the sake of someone you love.

Maniwala tayo sa forever!
(Photo from Eat Bulaga's Facebook Page)

I never really thought I'd be a follower of AlDub. I thought it was shallow and another money-spinner that would waste my precious time. But after watching Alden and Yaya Dub exchange their pabebe waves and see how Lola Nidora teaches us about love, I changed my mind.

Naniniwala na rin ako sa forever. *insert pabebe wave here*